Print

Los Baños, Laguna – Nakiisa ang PENRO Laguna sa ika-21 selebrasyon ng Bañamos “Hotspring Baths” Festival at ika-407 Founding Anniversary ng bayan ng Los Baños na may temang “Nagkakaisang Mamamayan tungo sa mas Progresibong Bagong Los Baños” sa kanilang isinagawang Civic Parade na siya ring dinaluhan ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan sa Los Baños, mga pribadong kompanya at negosyo at iba pang mga organisasyon.

Ang Bañamos Festival ay taunang selebrasyon tuwing Setyembre 14-18 ng bayan ng Los Baños na nagpapakita ng mayamang kasaysayan at kultura ng nasabing bayan. Ang nasabing festival ay nagsimula noong 2002 sa pangunguna ng pinuno ng Tourism Council na si Dr. Francisco F. Peñalba na naglalayong palakasin ang industriya ng turismo at ekonomiya ng lokal na pamahalaan.