
Habang nagsasagawa ng monitoring sa isang graduated National Greening Program (NGP) Site sa Brgy. Cansuso, Cavinti, Laguna ang grupo na pinangungunahan ni CENRO Venerando U. Garcia, ay namataan ang 42 piraso ng Mahogany Lumber na may tinatayang volume na 271 bd. ft.
Sa mga oras na isinagawa ang nasabing aktibidad, walang indibidwal ang naabutan sa naturang lugar. Gayunman, sa pananaliksik ng grupo, ay may lumutang na pangalan na siya namang inimbitahan para sa pagsasagawa ng Administrative Confiscation Proceedings (ACP) alinsunod sa DAO 97-32.
Noong araw ding iyon, ay agad hinakot ang mga nasabing produktong gubat at ngayon ay nasa pangangalaga ng CENRO Sta. Cruz na matatagpuan sa Brgy. Duhat, Sta. Cruz, Laguna.
- Details
- Parent Category: News & Events
- Category: Photo Releases
- Published: 06 September 2022