Print

Natapos ng siyam (9) na estudyante ng BS Forestry mula sa Batangas State University- Lobo Campus ang kanilang 300-hours na On-the-Job Training noong ika-12 ng Agosto taong kasalukuyan sa DENR CENRO Lipa. Sila ay nagsanay sa iba’t-ibang trabaho sa loob at labas ng opisina. Ang mga estudyanteng ito ay nagkaroon ng pagkakataon na makagampan ng gawain ng iba’t-ibang seksyon sa DENR CENRO tulad ng Regulation and Permitting Section, Enforcement and Monitoring Section, Conservation and Development Section and Manila Bay Site Coordinating/ Management Office-Batangas. Naging bahagi ng kanilang OJT o pagsasanay ang mga gawain tulad ng tree planting, river clean-up, water sampling, LAWIN patrolling, Forest Land Use Planning, CWR monitoring at marami pang iba.

“Marami po kaming natutunan dito sa DENR. Marami po kaming baon na practical and technical learnings pagbalik po namin sa campus.” ani Arlena Macalalad, isa sa mga nagsanay.

“Salamat po sa CENRO Lipa sa pagtanggap po sa amin at pagturing po na isa kami sa mga kasamahan ninyo. I was reminded that Forestry is not a boring course”, dagdag naman ni Jhon Alden Marsonia.