Nakilahok ang mga empleyado ng DENR CENRO Lipa sa pagdiriwang ng Buwan ng ASEAN sa pamamagitan ng pagbibihis ng natatanging kasuotan ng mga bansang kabilang rito. Dalawang linggo na ito isinasagawa ng nasabing opisina at bahagi rin ng pagdiriwang ay ang pag-awit ng ASEAN Hymn tuwing flag raising ceremony. May mga nakapaskil rin na watawat ng ASEAN at mga bansang nabibilang rito sa loob at labas ng opisina ng CENRO Lipa.