Ang CENRO Sta. Cruz ay nagsagawa ng isang exhibit noong ika-20 hanggang ika-30 ng Hunyo 2022 kaugnay ng pagdiriwang ng “Arbor Day Celebration” sa Sta. Cruz, Laguna.

Itinampok sa nasabing exhibit ang isa sa mga priority programs ng DENR na National Greening Program. Simula CY 2011, may kabuuang 7,000,000 punla ang naitanim sa 12,259 na hektarya ng lupa sa lalawigan ng Laguna katuwang ang 50 samahan mula sa mga iba’ibang stakeholders.

Isang eNGP site na matatagpuan sa Brgy. Galalan, Pangil, Laguna na may 100% survival rate ang isa sa mga highlights na ipinagmalaki sa exhibit. Naging matagumpay ang nasabing eNGP site sa pakikipagtulungan at teknikal na kaalaman sa Kape ng Galalan Upland Farmers Association. Gayun din ang palagian pagsasagawa ng mga maintenance and protection activities tulad ng pagtatabas ng mga damo, pagsasagawa ng foot patrolling, at replanting activity.

Isa pa sa itinampok ay ang Individual Plus Trees (IPT) o mga punong kahoy na pinagkukunan ng mga buto na kung saan sila ay nararapat na mayroong superior characteristics katulad na lamang ng tuwid na katawan at hindi kinakakitaan ng anumang sakit. Ang IPT Area ng Laguna ay matatagpuan sa Brgy. Cueva, bayan ng Sta. Maria. Ito ay may kabuuang lawak na tatlumpu’t anim na ektarya. Ayon sa database, mayroong 800 na IPT na ang karamihan ay kinabibilangan ng mga sumusunod na species: White Lauan, 237; Red Lauan, 185; Mayapis, 86; Agoho del Monte, 69; at Malaruhat, 34. 578 dito o 72.25% ay mula sa family Dipterocarpaceae.

Kasabay din ng nasabing exhibit ang pamimigay ng mga punla sa pamamagitan ng isang “Community PantTree: Kumuha ng Kayang Alagaan, Magtanim para sa Kalikasan”. Nakapagbigay ng 22,000 na mga namumunga at mga punong kahoy sa mga bayan ng Calauan at Siniloan, Lungsod ng Alaminos at sa mga bisita at kliyente ng CENRO Sta. Cruz.