Ang CENRO Sta. Cruz ay nagsagawa ng isang exhibit ngayong ika-30 at 31 ng Mayo 2022 kaugnay ng pagdiriwang ng “Month of the Ocean” na may tema ngayong taon na “Protect and Restore Ecosystems and Biodiversity” sa Sta. Cruz, Laguna.

Itinampok sa nasabing exhibit ang isa sa mga priority programs na “Battle for Manila Bay” kung saan ipinakita ang mga iba’t ibang gawain at inisyatibo ng Manila Bay Site Coordinating and Management Office (MBSCMO) tulad ng patuloy na pagsasagawa ng monthly water quality sampling para ma-monitor ang kalidad ng tubig at makita kung ang intervention ay epektibo; pag-hire ng mga River Rangers na siyang nakatalaga sa paglinis at pagpatrolya ng mga ilog; pagsasagawa ng Community Lectures o CEPA tungkol sa Solid and Liquid Waste Management sa mga komunidad na nakatira malapit sa ilog, upang mapataas ang kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng wastong pamamahala at paghiwahiwalay ng basura nang sa gayon ay maiwasan ang pagtatapon ng basura sa ilog; pagtatayo ng Trash Traps para maharang ang mga basura at hindi na dumaloy pa papuntang lawa ng Laguna; pagtatayo ng informative Billboards sa mga matataong lugar; pagkakaroon ng Clean-up at pag-establish ng Eco-garden at composting facility para maisulong ang wastes segregation at mapataas ang wastes diversion.

 Ipinakita rin sa publiko ang mobile museum box ng Ilog Pangil na isa sa mga priority rivers sa CALABARZON. Makikita rito ang profile ng nasabing ilog, mga iba’t ibang hayop at halamang nabubuhay dito, at mga gawain ng CENRO Sta. Cruz sa pagprotekta at pangangalaga ng nasabing ilog. Matatandaan na bumisita si dating DENR Secretary Roy A.  Cimatu sa Ilog Pangil kung saan hayagang ipinakita nito sa publiko ang pag-inom ng tubig mula sa ilog na tinaguriang isa sa pinaka malinis sa buong Pilipinas.

Samantala, kasabay ng exhibit ay namigay din ng mga posters, flyers, checklist of requirements para sa mga frontline services at mga programa ng DENR. ###