Ang CENRO Sta. Cruz katuwang ang Enforcement and Monitoring Section (EMS) ay nagsagawa ng isang Information, Education, and Communication (IEC) Campaign tungkol sa pagpapatupad ng mga batas at patakaran ng DENR na isinagawa sa Tourism Office ng San Pablo City, Laguna noong Mayo 12, 2022.

Ang mga requirements at proseso para sa iba't ibang mga permits na iniisyu ng DENR tulad ng Tree Cutting/Trimming Permit, Certificate of Tree Plantation Ownership (CTPO), at Chainsaw Registration ay tinalakay sa mga opisyal ng Lokal na Lungsod ng San Pablo. Binigyang diin sa nasabing IEC na tanging DENR lamang ang pangunahing ahensya na nagpoproseso at nag-iisyu ng Tree Cutting permit at CTPOs na naaangkop lamang sa mga pribadong lupain.

Samantala, ipinakilala rin ang iba't ibang mga halimbawa ng mga produkto ng kagubatan upang mapataas ang kamalayan ng mga lumahok sa pangangasiwa, pagprotekta at pangangalaga ng kagubatan.

Layunin ng nasabing IEC na palakasin at pahusayin ang ang kaalaman ng mga kawani ng Tourism Office at City Environment and Natural Resources Office na nasa ilalim ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng San Pablo, Laguna sa mga batas at patakaran ng DENR at maging katuwang sila sa patuloy na proteksyon at konserbasyon ng kapaligiran at likas na yaman sa loob ng kanilang nasasakupan. Natapos ang IEC sa pamamagitan ng isang open forum.