Sta. Rosa City, Laguna – Nakatanggap ng tawag ang PENRO Laguna Biñan Satellite Office mula sa City Environment and Natural Resources Office – Sta. Rosa noong 18 Mayo 2022 hinggil sa boluntaryong pag-susurender ng Brgy. Pooc, Sta. Rosa City, Laguna ng isang sawa o Reticulated Python na kanilang nahuli noong 5 Mayo 2022. Agad namang nagtungo sa lugar ang mga assigned personnel ng Satellite Office sa nasabing barangay upang kunin ang sawa.

Batay sa inisyal na pagsusuri, ang nasabing sawa ay nasa maayos na kundisyon, may bigat na 3.8 kilos at may kabuuang haba na 230 sentimetro. Agad naman itong dinala sa DENR CALABARZON Regional Wildlife Rescue Center sa Brgy. Lamot II, Calauan, Laguna

Ang PENRO Laguna ay patuloy na nanawagan sa publiko na magreport o isangguni sa opisina kung meron man makitang mga wildlife o buhay-ilang, halaman man o hayop, o may alam na ilegal na nag-aalaga ng mga ito sa pamamagitan ng pagtawag sa aming telepono na may numerong 049 536-5889 o mag-email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o magmensahe sa official Facebook Page ng DENR CALABARZON.###