Los Baños, Laguna – Isinangguni ng Los Baños Traffic Management Office (LBTMO) sa PENRO Laguna ang pag-rescue sa isang sawang nakapulupot sa linya ng kuryente sa Timugan, Los Baños, Laguna noong 5 Mayo 2022. Ang nasabing sawa ay may habang siyam na talampakan (9 feet) at bigat na 5 kilos. Agad naman itong dinala sa DENR CALABARZON Regional Wildlife Rescue Center sa Brgy. Lamot II, Calauan, Laguna.

Ang PENRO Laguna ay patuloy na nanawagan sa publiko na magreport o isangguni sa opisina kung meron man makitang mga wildlife o buhay-ilang, halaman man o hayop, o may alam na ilegal na nag-aalaga ng mga ito sa pamamagitan ng pagtawag sa aming telepono na may numerong 049 536-5889 o mag-email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o magmensahe sa official Facebook Page ng DENR CALABARZON.