Sa pakikipag-ugnayan ng Commission on Elections (COMELEC) - Sta. Cruz, katuwang ang Department of Public Works and Highways (DPWH) District I, Department of the Interior and Local Government (DILG)-Laguna, Laguna Provincial Police Office, at CENRO Sta. Cruz ay nagkasa ng OPLAN Baklas ang mga naturang ahensya upang tanggalin ang lahat ng mga campaign materials at iba pang advertisement paraphernalia sa mga puno at iba pang ipinagbabawal na lugar sa bayan ng Santa Cruz, Laguna.

Sa isinagawang OPLAN Baklas noong Sabado, ika-23 ng Abril, 2022, napuno ang isang Dump Truck ng DPWH ng mga iba’t ibang electoral campaign materials at advertisement paraphernalia ng mga tatakbong pulitiko sa darating na eleksyon. Dinala ang mga nasabing campaign materials sa DPWH Compound, Brgy. Cabanbanan, Pagsanjan, Laguna.

Alinsunod sa Republic Act (RA) 3571, Presidential Decree (PD) 953, at COMELEC Resolution No. 10730, na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapaskil ng campaign materials at ano mang uri ng advertisements sa mga hindi itinalagang lugar kagaya ng mga punong kahoy.

Muling pinaalalahanan ang mga pulitiko at ang publiko na ang mga puno ay may buhay at bumubuhay sa bawa’t isa sa atin, kaya dapat lamang na ang mga ito ay bigyang respeto at  halaga.