Print

Sa naganap na Courtesy Call sa pagitan ng Community Environment and Natural Resources (CENRO) Lipa City at Lokal na Pamahalaan ng Ibaan, napagtalakayan ang pagtutulungan ng dalawang pamahalaan upang maging kaagapay sa pagpapatitulo ng lupa ng mga mamamayan ng bayan.

Naging kinatawan ng Ibaan LGU sa nasabing pagpupulong ang mga Department Head ng Municipal Planning and Development Council, Municipal Administrator, Municipal Environment and Natural Resources Office, Municipal Accountant Office, Municipal Assessor Office at Kalihim ng Sangguniang Bayan na nanguna na paglalahad ng agendang makatulong sa mga mamamayan ng bayan na wala pang titulo ang lupa.

Sa nasabing courtesy call din ay naganap ang lagdaan ng Memorandum of Agreement sa sa pangunguna ni OIC CENRO, Allan Willard M. Estillore at Ibaan LGU upang maging kaagapay sa information dissemination ng nasabing proyekto.