
Nakiisa and CENRO Sta. Cruz sa pagdiriwang ng 2022 National Women’s Month na ngayong taon ay may temang “Agenda ng Kababaihan, Tungo sa Kaunlaran”. Ito ay isang selebrasyon ng mga kababaihan na merong karapatang mamili, at magkaroon ng pagkakataong iparinig ang kanilang mga boses. Ito rin ay isang pagdiriwang ng kapangyarihan ng mga kababaihang Pilipino na itaas ang mga priyoridad na isyu na mahalaga sa kanila.
Sa unang linggo ng Marso, nagbigay ng dagdag kaalaman si GAD Focal Person, Bernardita C. Daliva patungkol sa mga polisiya, mga nakatalagang aktibidad na nakapaloob sa nasabing pagdiriwang, at sa kahulugan ng taunang tema nito na “We Make Change Work for Women”.
Bilang pagpapakita ng suporta sa selebrasyon, ang CENRO Sta. Cruz ay nagsuot ng kulay Purple ng ibat ibang uri ng bagay tulad ng damit, facemask, at bandana. Nagkaroon din ng photobooth para sa publiko kung saan may mga placards na nagpapakita ng agenda ng mga kababaihan.
Kaugnay ng pagdiriwang ng International Women’s Day noong ika-8 ng Marso, sorpresang namahagi ng 10 advocacy mugs ang CENRO Sta. Cruz para sa unang 10 kliyente na nagtungo sa tanggapan bilang bahagi ng “Serbisyo Para Kay Juana”.
Samantala, noong ika-14 ng Marso, pinarangalan ng CENRO GAD Focal System ang lahat ng natatanging Juana ng CENRO Sta. Cruz. Ito ay pagkilala sa kanilang dedikasyon at buong pusong paglilingkod at pagpapalakas upang maiangat ang kakayahan ng bawat kababaihan.
Nagkaroon din ng Webinar tungkol sa Gender Sensitivity para sa mga bagong empleyado ng tanggapan na idinaos noong ika-15 ng Marso. Ito ay isang paraan upang mabawasan ang mga hadlang dulot ng diskriminasyon at bias sa mga kasarian. Ang paglikha ng tamang uri ng kapaligirang sensitibo sa kasarian ay humahantong sa paggalang sa isa’t isa anuman ang kanilang kasarian.
- Details
- Parent Category: News & Events
- Category: Photo Releases
- Published: 01 April 2022