
Isang pagpuputol ng puno na walang permiso and hinarang ng mga kawani ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) Rizal at Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) sa Sitio Maysawa Barangay Laiban Tanay, Rizal.
Nakatanggap ng impormasyon ang PENRO Rizal mula sa MENRO ng Tanay tungkol sa ilegal na gawain at humihingi ng suporta sa pag-iimbestiga ukol dito.
Ganap na 9:30 ng umaga ay nagtungo sa nasabing lugar ang Maya at Kaysak Forest Production Monitoring team kasama ang MENRO ng Tanay. Nakipag koordina ang MENRO sa mismong Barangay upang kumpirmahin ang nasagap nilang impormasyon.
Nang makarating ang grupo sa mismong lugar, tumambad sa kanila ang bagong gawang kubo na yari sa kawayan. Ayon kay Lea Arnosa ang may-ari ng bahay malapit sa bagong tayong mga kubo ay gumagamit lamang ng pinutol na puno para sa paggawa ng bahay ni Ginoong Condrado Gerones.
Samantala, narinig sa di kalayuan ang tunog ng chainsaw. Kung kayat agad na nagtungo ang grupo upang ito ay pahintuin. Dito’y nakita nila si Archi Arocan na aktwal na pumuputol ng mga puno ng Gmelina. Ang naging pahayag ni Archi Arocan ay napag-utusan lamang silang pumutol ng mga puno ni Ginoong Condrado Gerones na siyang may-ari ng mga puno at ang ginamit na chainsaw ay galing sa kanyang tatay na si Rogelio Arucan.
Kinumpiska ang ginamit na chainsaw ng grupo at nagbigay ng paanyaya sa mga sangkot sa ilegal na gawain na dumalo sa isang Technical Conference.
- Details
- Parent Category: News & Events
- Category: Photo Releases
- Published: 11 March 2022