Print
Libo-libong advertisement paraphernalia na illegal na nakapaskil sa mga pampublikong lugar ang nakolekta sa isinagawang Oplan Baklas sa Probinsya ng Batangas.
 
Ang Oplan Baklas ay isang aktibidad na nilahukan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kung saan inaalis ang ang mga materyales na illegal na nakakabit at nakapako sa mga punong kahoy kagaya ng mga Campaign Materials. Ito ay ayon sa Seksyon 3 ng Republic Act No. 3571 ; Presidential Decree No. 953 and COMELEC Resolution No. 10730 kung saan ang pagpapako sa punongkahoy ng anumang advertisement paraphernalia, kasama ang election campaign materials, ay mahigpit na ipinagbabawal.
 
Ang aktibidad na ito ay sabayang isinagawa sa 31 Munisipyo ng Batangas sa pangunguna ng Commission on Elections (COMELEC) at sa pakikipagtulungan ng DENR-CENRO Calaca ; CENRO Lipa City; Department of Public Works and Highways (DPWH) ; Philippine National Police (PNP) at mga lokal na pamahalaan.
 
Muli, pinapaalalahanan ang lahat na igalang ang mga puno sapagkat sila ay may buhay, parte ng ating kalikasan at likas yaman na dapat pahalagahan bilang life support system na mahalaga sa ating pang araw-araw na pamumuhay. Ang pagpapaskil ng anumang paraphernalia sa ating mga puno ay mahigpit na ipinagbabawal ng batas.