Biñan City, Laguna – Kusang loob na isinurrender ni Ginoong Dexter Jimenez mula sa Brgy. Mamplasan, Biñan City, Laguna ang isang Reticulated Python na may bigat na humigit kumulang na 2.7 kilo at habang 230 sentimetro sa PENRO Laguna sa pamamagitan ng Quick Response Team (QRT) noong 16 Pebrero 2022.

Agad naman itong dinala ng PENRO QRT sa DENR CALABARZON Regional Wildlife and Rescue Center sa Brgy. Lamot II, Calauan, Laguna.

Muli ay pinapaalalahan ang publiko na: Ang PAGPATAY, PAGSIRA, PANANAKIT O PAGMAMALTRATO, PAGKALAKAL, PAGKOLEKTA, PANGANGASO, PAGTATAGLAY AT PAG-BIBIYAHE ng anumang uri ng buhay-ilang at maging pagsira ng kanilang mga tahanan ay MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL sa ilalim ng RA 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Kung kayo man po ay may anumang impormasyon patungkol sa mga nabanggit na mga ilegal na gawain, huwag mag-atubiling ito ay ireport sa aming tanggapan sa pamamagitan ng aming telepono (049) 536-5889 o email This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o sa opisyal na Facebook Page ng DENR CALABARZON.