Pinangunahan ni PENRO Eriberto B. Saños, kasama sina TSD Chief Divina A. Villaluz at In-Charge, MSD Lourdes S. Jacinto ang Tree Hugging Campaign o isang week long awareness campaign mula Pebrero 14 – 18, 2022 na isinagawa sa UP Los Baños - College of Forestry and Natural Resources (UPLB-CFNR). Ang nasabing tree hugging campaign ay naglalayong isulong ang mga benepisyong maaring makuha mula sa pangangalaga ng mga puno at kagubatan, itaas ang kamalayan sa importansya ng tree hugging movement at makapagbigay ng alternatibong paraan ng paggunita ng Valentine’s Day sa pamamagitan ng pagpapakita ng pagmamahal at pag-aaruga sa kalikasan sa pamamagitan ng tree hugging.

Inaanyayahan ng PENRO Laguna ang lahat na makilahok sa nasabing kampanya sa pamamagitan ng pag-uupload ng inyong mga larawang nakayapos sa puno sa inyong mga social media accounts gamit ang mga opisyal na hashtags na #TreeHuggingDay #PunoNgPagmamahal at #ValentinesDay at i-mention/tag ang official Facebook page na facebook.com/denrfmbofficial at facebook.com/DENR4AOfficial at maging sa Instagram account na @denrfmbofficial at @DENR4AOfficial.