Noong ika-24 ng Enero 2022, isang (1) Philippine Serpent Eagle (Spilornis holospilus) na mula sa Barangay, Silangan Ilaya, Nagcarlan, Laguna ang naiturn-over sa tanggapan ng CENRO Sta. Cruz.

Sa kasalukuyan, ang Philippine Seprent Eagle ay may conservation status na Least Concern ngunit ang bilang ng mga ito sa kagubatan ay bumaba.

Ayon kay Ginoong Michael Dorado, noong ika-24 ng Enero 2022, isang Philippine Serpent Eagle ang bumagsak sa kanilang bubungan na ang hinala nila ay may bumaril dito. Agad nila itong dinala sa tanggapan ng CENRO Sta. Cruz upang iturn-over.

Ang nasabing agila ay dinala at nasa pangangalaga ngayon ng Wildlife and Rescue Center ng DENR CALABARZON na matatagpuan sa Brgy. Lamot II, Calauan, Laguna.

Ang CENRO Sta. Cruz ay muling nananawagan sa publiko na kung sino man ang makakita ng mga buhay-ilang na maaaring masagip, maiturn-over, o di kaya ay mayroong ilegal na nagmamay-ari o nagbebenta ay ipagbigay alam ito sa aming tanggapan sa pamamagitan ng aming Telepono (049) 536-8903 o (049) 557-3231, at sulatroniko: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..

Asahan po ninyo na ang DENR ay kaisa niyo sa patuloy na pagtanggol at pagprotekta ng ating mga buhay-ilang, kapaligiran at likas-yaman. ###