Noong ika-14 ng Enero 2022, sa pangunguna ni OIC-CENRO Venerando U. Garcia kasama sina Enforcement Monitoring OIC-Chief Daniel Arthur at Forest Technician Abigail Daluraya, ay nagsagawa ng isang monitoring activity para sa mga sash factory sa bayan ng Pila at Sta. Cruz, Laguna.

Layunin nito na tugunan ang isyu ng paglaganap ng mga sash factories at non-wood forest product retailers at maberipika kung sumusunod ito sa mga umiiral na batas at patakaran ng DENR.

Sa kabuuan, nakapagmonitor ang grupo ng labing-apat (14) na sash factories at non-wood forest product retailers; tig pito (7) sa bayan ng Pila at sa bayan ng Sta. Cruz. Pinapaalalahanan ang mga sash factories at non-wood forest product retailers na maaari lamang kumuha ng mga raw materials sa mga legal source o may pinanghahawakan na mga permiso mula sa DENR tulad ng Certificate of Tree Plantation Ownership (CTPO) at approved Tree Cutting Permit.

Patuloy na magsasagawa ang CENRO Sta. Cruz ng mga ganitong gawain upang mapuksa ang paglaganap ng mga ilegal na aktibidad or gawain sa ating mga kagubata at mapagtibay ang pagprotekta at pangangalaga sa ating kalikasan at likas na yaman.