Noong ika-21 ng Disyembre 2021, binigyang pagkilala ng DENR CALABARZON Regional Office si LMO I Aileen R. Acebuche para sa kanyang pagkamit ng target sa Agricultural Free Patent.

Si LMO I Acebuche ay hinirang bilang pangatlo sa may pinakamataas na numerong nakapagkalap at nakapagproseso ng Agricultural Free Patent sa buong Rehiyon ng CALABARZON. Nakapagtala ng pitumpu’t apat (74) na naprosesong patente si LMO I Acebuche mula sa kabuuang pitumpung (70) target ng CENRO Sta. Cruz sa Agricultural Free Patent.

Ito ang pangalawang beses na nakuha ni Gng. Acebuche ang pagkilala. Matatandaan na siya ay ginawaran taong 2020 dahil sa mabilis na pagtugon nito sa nasabing programa ng DENR. Ang nasabing pagkilala ay iginawad ng Program on Awards and Incentives for Service Excellence (PRAISE) Committee ng DENR bilang pagbibigay pugay sa mga kawaning may integridad at may mabilis na pagtugon sa mga serbisyo ng ahensya.

Lubos na ipinagmamalaki at ikinararangal ng CENRO Sta. Cruz ang iyong nakamit na tagumpay, LMO I Aileen R. Acebuche.