Mulanay, Quezon- Katulong ang People’s Organization (PO) ng Barangay Anonang Farmers Association (BAFA) led by PO President Diosdado Reginio, ang CENRO Catanauan sa pangunguna ni Chief, Conservation and Development Section (CDS) Nida C. Barros at iba pang empleyado sa ilalim ng National Greening Program (NGP) ay nagsagawa ng pagtatanim sa loob ng CY 2016 NGP plantation site na may sukat na 313 ektarya. Ang nasabing plantasyon ay may limang taon na ngayong araw mula ng ito’y mataniman ng fruit tree tulad ng guyabano. Isa lamang ang plantasyon na ito sa mga graduated NGP site (fruit tree) na nabibilang sa ilalim ng hurisdikyon ng CENRO Catanauan. Para sa tuloy-tuloy na rehabilitasyon, ang 1 ektarya sa kabuoang sukat nito ay muling tinaniman ngayong araw ng 200 guyabano at 100 cacao na may kabuoang bilang na 300 piraso.
 
Ang isinagawang pagtatanim ay isang inisyatibo sa ilalim ng prorama ng “Tayo ang Kalikasan (TAK)” na naglalayong humikayat ng iba’t ibang mga grupo na poprotekta at mangangalaga ng kalikasan. Ang mga itinanim na cacao sa loob ng 313 ektaryang plantasyon ay sinuportahan ng Samahan sa Industriya ng Cacao na Pangkabuhayan ng Mulanay na pinamumunuan ni Gng. Eva E. Verdera at handang lagdaan ang kasunduan sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement (MOA) na naglalayong mapangalagaan at mapaunlad ang mga naitanim sa loob ng 313 ektaryang planstasyon. Ang mga kasunduang nakapaloob sa MOA ay alinsunod sa layunin ng Programa ng “Tayo ang Kalikasan” na makapagtanim pa ng mas maraming bilang ng cacao sa loob ng 313 ektarya ng CY 2016 Graduated NGP Site at mapanatili ito para sa kapakinabangan ng mga susunod na henerasyon.
 
Kaugnay nito, mapapangalagaan at mapapakinabangan ang mga naitatanim na punla ng cacao sa susunod na mga panahon kaalinsabay ng rehabilitasyon sa lugar. Patuloy na gagampanan ng DENR ang tungkulin na maging katuwang sa pangangalaga ang Samahan sa Industriya ng Cacao na Pangkabuhayan ng Mulanay upang dahan-dahan na mapagyaman ang 313 ektaryang NGP site na matatagpuan sa Brgy. Burgos, Mulanay, Quezon. ###