Print

Macalelon, Quezon- Tampok ngayong araw ang pakikiisa ng iba’t-ibang Ahensya at Kagawaran sa Serbisyo Caravan at Ugnayan na pinangunahan ng Local na Pamahalaan ng Macalelon, Quezon sa pamumuno ni Mayor Nelson R. Traje at DILG IV-A Regional Director Ariel O. Iglesia na ginanap sa Brgy. San Jose, Macalelon, Quezon noong Agosto 28, 2021.

Ang DENR-CENRO Catanauan sa katauhan ni Land Management Inspector Cherie Rose R. Cacayan at Forest Ranger Carmelo G. Paderon ay nagbigay ng impormasyon patungkol sa Agricultural Free Patent Reform Act sa ilalim ng R.A 11231 at Residential Free Patent Application sa ilalim ng RA 10023. Binigyang linaw din ang mga dokumento na kinakailangan para sa nais mag apply ng titulo.

Tinalakay din sa nasabing gawain ang mga sumusunod na paksa:

Ang iba pang serbisyo para sa Ugnayan sa Barangay ay ginampanan ng mga sumusunod na Ahensya:

Isa sa mga problema na ipinaabot ni Brgy. Captain Ariel M. Bagayan sa pamamagitan ng Ugnayan sa Barangay ay ang sira-sirang kalsada papunta sa barangay, kakulangan ng trabaho at proyekto para sa komunidad at kawalan ng Telecommunication signal na siyang nagpapabagal sa pag unlad ng barangay. Maayos na natapos ang gawain sa lugar at ito’y nagbigay ng pag-asa sa mga mamayan ng Brgy. San Jose sa bayan ng Macalelon, Quezon.