Los Banos, Laguna – Itinaas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa Tropical Cyclone Warning System (TCWS) No. 2 ang lalawigan ng Laguna kasunod ng paglapag sa bansa ni Bagyong Jolina gayundin ang mga karatig lalawigan ng Batangas, Cavite at Quezon noong 7 Setyembre 2021. Kinansela rin ni Governor Ramil Hernandez ang mga klase sa lahat ng antas ng pribado at pampublikong paaralan maging ang pasok sa mga tanggpan ng gobyerno dahil sa inaasahang masamang dulot ng bagyo. Kaugnay nito, ay ang pag-aksyon ng Quick Response Team (QRT) ng PENRO Laguna upang tumugon sa mga siyudad at munisipalidad na nasasakupan ng mga lone districts ng Binan, Sta. Rosa at Calamba maging ng una at ikalawang distrito ng lalawigan na apektado ng nasabing bagyo.

Kabilang sa mga isinagawa ng mga miyembro ng QRT ay ang pag-aalis ng mga punong natumba sa mga kalsada na kalauna’y magsisilbing obstruction at maaring magsanhi ng matinding trapik. Gayundin ay nagsagawa ng koordinasyon ang QRT sa mga City and Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office upang alamin ang kabuuang sitwasyon tulad ng pagkakaroon ng landslide o pagguho ng lupa.

Photo Credits: Forester Perfecto M. Talavera