Kaugnay ng muling pagbubukas ng klase sa ika-13 Setyembre, ang CENRO Sta. Cruz ay nakiisa sa Duhat Elementary School sa taunang programa nito na Brigada Eskwela 2021-2022 na may temang “Bayanihan sa Paaralan”.

Sa pangunguna ni CENRO Venerando U. Garcia at sa pakikipagtulungan ng bawat kawani nito, ang CENRO Sta. Cruz ay nangalap ng donasyon para sa mga school supplies na maaring magamit ng mga guro at estudyante tulad ng bond papers, envelopes, pentel pen, pandikit at iba pa. 

Dagdag pa rito ay namigay din ng mga alcohol, face mask, tisyu at sabon upang magamit ng nasabing paaralan bilang panlaban sa nararanasang pandemyang COVID-19.

Ang nasabing mga donasyon ay buong pusong tinanggap ng mga guro ng Duhat Elementary School sa pangunguna ni Gng. Edna G. Reyes, punong-guro ng nasabing paaralan. Magtatagal ang Brigada Eskwela mula Agosto 03 hanggang Setyembre 30, 2021.

Hinihikayat ang bawat isa na kung sino pa ang nais makiisa at magbigay suporta sa nasabing programa ay maaaring magsadya sa Duhat Elementary School na matatagpuan sa Brgy. Duhat, Sta. Cruz, Laguna. ###