Binigyang parangal at pagkilala ng DENR CENRO Lipa sa pangunguna nina Chief, EMS/ For. III Flordeliza Olave at OIC-CENRO Januel Peras sina Forest Rangers: Sofia Banuelos Epifanio Buquid, Primitivo Buagas, Cristina Salas at Marilou Tarcelo sa kanilang hindi matatawarang husay at galing sa paglilingkod sa bayan lalo't higit sa ating kapaligiran at likas yaman.

Pinuri ni CENRO Peras ang mga Forest Rangers sa kanilang dedikasyon at walang kapaguran sa pagprotekta at pag-iingat sa kapaligiran at sa mga likas yaman sa kabila ng mga panganib at posibleng banta sa buhay kaugnay ng kanilang trabaho.