Matagumpay na namang nailunsad ang isang Community PlanTree: "Kumuha ng Kayang Alagaan, Magtanim para sa Kalikasan" ng PENRO LAGUNA sa New Evacuation Center - Bay, Laguna ngayong araw 30 Hulyo 2021 sa tulong ng Pamahalaang Bayan ng Bay, Laguna.

Ang PENRO LAGUNA ay nakapagbigay ng humigit-kumulang 800 punla ng mga indigenous species (Narra) at fruit-bearing trees (Guyabano, Cacao, Coffee & Kasoy) sa lahat ng bumisita sa nasabing community plantree.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Conservation and Development Section ng PENRO Laguna at ng NGP Focal Person. Ang mga ipinamigay na mga punla ay mula sa nursery ng opisina sa Calauan, Laguna.