Bilang bahagi ng pakikipagugnayan ng DENR sa mga iba’t ibang ahensya mapapubliko o pribado ay nagkaroon ng isang Communication, Education and Public Awareness (CEPA)  campaign sa pamamagitan ng training/seminar ang DENR CENRO Lipa sa pangunguna ng mga personel ng CDS at MBSCMO-Batangas sa inisyatibo ng Aboitiz Construction Inc. sa mga opisyal at residente ng Brgy. Simlong, Batangas City, Batangas noong Hulyo 28, 2021.

Ang nasabing training/seminar ay tumalakay sa iba’t ibang paraan sa pamamahala at pagsasaayos ng mga basura at kalat sa pamayanan katulad ng vertical gardening at composting, ang RA 9003 or ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 ang batas na nagpapairal sa tamang pangangasiwa at pagtatapos sa mga basura at ang pagtangkilik sa pagtatanin ng mga native na puno sa pamayanan ng Brgy, Simlong.

Nagkaroon din ng open forum ang mga naging kasama sa nasabing programa kung saan nabigyang linaw ang mga katanungan at naiparating din ang mga sangguni at mga suliranin na kinahaharap ng Brgy. Simlong ng may kinalaman sa kapaligiran at likas yaman.

Ipinahayag ng mga kinatawan ng DENR CENRO Lipa ang kanilang aktibo at patuloy na pagbibigay ng mga aktibidad at programa na kagaya ng CEPA sa iba’t ibang mga stakeholder ng Opisina.

Pinagbibigay alam na lahat ng alituntunin hinggil sa pagiingat at pagpapanatili ng kaligtasan laban sa banta ng COVID19 ay maayos na nasunod sa pagsasagawa ng nasabing gawain.