Print

Sa unang pagkakataon ay bumisita sa tanggapan ng DENR CENRO Lipa si DENR CALABARZON Regional Executive Director Nilo Tamoria. Pinulong ni RED Tamoria ang mga opisyal at empleyado ng ahensya sa  pangunguna ni OIC PENR Officer Noel Recillo at ni OIC CENR Officer Januel Peras.

Sa nasabing pagpupulong ay inilahad ni CENRO Peras ang profile at mga nagawa ng opisina sa mga nagdaang taon. Isa din sa binigyang diin ni RED Tamoria ay ang mga naging progreso at mga magiging pagunlad ng departamento sa ilalim ng kanyang pamumuno. Ipinahayag din niya na siya ay palaging bukas sa kahit anong bagay na isasangguni sa kanyang opisina.

Pinagbibigay alam na lahat ng alituntunin hinggil sa pagiingat at pagpapanatili ng kaligtasan laban sa banta ng COVID19 ay maayos na nasunod sa pagsasagawa ng nasabing gawain.