Print

Bilang pagdiriwang ng β€œπˆπ§π­πžπ«π§πšπ­π’π¨π§πšπ₯ πƒπšπ² 𝐟𝐨𝐫 𝐭𝐑𝐞 π‚π¨π§π¬πžπ«π―πšπ­π’π¨π§ 𝐨𝐟 𝐭𝐑𝐞 𝐌𝐚𝐧𝐠𝐫𝐨𝐯𝐞 π„πœπ¨π¬π²π¬π­πžπ¦β€ o mas kilala na β€œπ–π¨π«π₯𝐝 𝐌𝐚𝐧𝐠𝐫𝐨𝐯𝐞 πƒπšπ²β€, nagkaroon ng tree planting activity ang DENR-CENRO Real, Quezon katuwang ang Alitas Farmers Association members, Sangguniang Barangay, at Sangguniang Kabataan sa Brgy. Alitas, Infanta, Quezon noong ika-27 ng Hulyo, 2021.

Nagbahagi si Forester Ailyn Evasco ng dagdag kaalaman ukol sa kahalagahan ng bakawan bilang proteksyon ng komunidad sa mga kalamidad na nagmumula sa dagat at bilang tahanan ng mga buhay-ilang sa mangrove ecosystem.

Kinilala rin sa gawaing ito ang kontribusyon ng Alitas Farmers Association sa pagpapalawak at pangangalaga sa mga bakawan. Ang konkretong katunayan nito ay ang pagtanggap ng Alitas Farmers Association ng 2020 Best National Greening Program (NGP) Award dahil sa ang kanilang mangrove plantation na may lawak na 19.475 hectares, ay may 95% survival rate.

Apatnapu’t isang (41) katao ang nakibahagi sa gawaing ito, kung saan, 250 pirasong mangrove propagules ang naitanim noong araw din na iyon.