Print

Isang Kuwago (Owl) ang naturn-over sa DENR CENRO Calaca sa tulong ng MENRO Balayan. Ang nasabing Kuwago ay nakita ni  Mr. John Cyril Atienza sa kaniyang bahay na residente ng Barangay Muntingtubig, Balayan, Batangas. Ito naman ay agad na dinala sa aming tanggapan ngayon at agaran namang itinawag sa Cenro- Calaca. Lubos po kaming nagpapasalamat kay Mr. John Cyril Atienza sa pag turnover ng nasabing Kuwago.

Kung kayo po ay may makikita o mahuhuli na mga Buhay-ilang o Wildlife na pagalagala sa inyong lugar, agad itong ipagbigay alam sa aming opisina para maasistehan sa tamang proseso at maisauli o ma-iturnover sa kinauukulan.

Muli, kami po ay nagpapaalala na mahigpit na pinagbabawal ang pagpatay, pagkakalakal, pangkokolekta, pangangaso, pagmamaltrato, pagbiyahe, at pagsira sa tirahan ng mga buhay-ilang o “wildlife” ayon sa Batas R.A 9147 o Wildlife Resources and Conservation Act. at kung di inaasahan ay mayroon kayong nahuli na "Wildlife", agad itong ipagbigay alam sa aming himpilan para kayo ay matulungan.

Source: MENRO Balayan