Print

Information, Education and Communication campaign na ginanap sa Brgy. Lipata at Brgy. San Juan, Panukulan, Quezon noong 21-22 ng Hulyo, 2021.

Tuloy-tuloy ang pagbabahagi ng kaalaman ng mga kawani ng DENR CENRO Real sa mga Batas Pangkalikasan na ngayon ay ginanap sa bayan ng Panukulan, Quezon.

Aktibong nakilahok ang mga mamamayan ng Brgy. Lipata at ang Sangguniang Barangay.

Sa ikalawang araw, ginanap ang IEC campaign sa Pamahalaang Bayan ng Panukulan at dumalo ang mga Punong Barangay ng Panukulan na kumakatawan sa labintatlong(13) Barangay kasama si Designated MENRO Jenecyl Dela Cruz.

Ibinahagi nina EMS1 Azor Bonita at FT1 Margie Buencamino Atendido ang nilalaman ng PD705 ,RA 9147 o ang Wildlife Act at Chainsaw Act. Sumunod ay ang RA 7942 o Phil. Mining Act na tinalakay ni MGB Embedded Geologist Adam Paulo Reyes. At ang RA 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000 na tinalakay ni EMB Embedded Aileen BaƱado Flaviano.

Namahagi ng IEC materials sina FEO Maria Rose Estrella, FEO Jeanlyn Banzuela Hemor at FPO Jennifer Eranista sa mga dumalo sa gawaing ito.