Print

Isang tree planting activity ang isinagawa ng PENRO Laguna kasama ang Laguna Bird Lover and Breeder (LBLB) sa Tanaw Park, Tala, Rizal, Laguna noong 17 Hulyo 2021. Ito ay pinanguhan ng Conservation and Development Section (CDS) ng PENRO Laguna sa pamamagitan ni For. Melvin L. Lalican at ng National Greening Program (NGP) Focal Person, For. Abigail A. Valdez. Maayos ring naisakatuparan ang nasabing activity dahil sa mainit na pagtanggap at pagpapa-unlak ni Vice Mayor Antonino A. Aurelio ng Rizal, Laguna. Ang nasabing tree planting ay ninais na maisagawa ng samahang LBLB bilang pagsuporta sa mga greening efforts at forest rehabilitation program ng DENR.

Tinatayang 350 punla o seedlings ng puno ang naitanim sa may vicinity ng Tanaw Park ng mga miyembro ng LBLB, mga piling personnel ng PENRO Laguna at ilang mga personnel mula sa pamahalaang bayan ng Rizal.

Ang Tanaw De Rizal Park or Tanaw Park ay isang kilalang eco-tourism destination na ipinagmamalaki ng bayan ng Rizal. Ang nasabing parke ay humigit-kumulang na 600 ektarya ng forest protected area.