Print

Isang Monitor Lizard ang naiturn-over ni G. Ian Alonzo mula sa Brgy. Langgam, San Pedro City sa PENRO Laguna noong Hulyo 7, 2021. Ang nasabing monitor lizard ay nakita ni G. Alonzo sa isang construction site at minabuting ipagbigay-alam sa DENR CALABARZON upang ma-rescue.

Noong Hulyo 9, 2021, kasama ang ilang crew at host na si Doc Ferdinand "Ferds" Recio ng television program na Born to be Wild ay naiturn-over ang nsabing monitor lizard sa DENR CALABARZON Regional Wildlife Rescue Center sa Brgy. Lamot II, Calauan, Laguna.

Base sa assessment ng team, ang nasabing monitor lizard ay nasa maayos na kondisyon, may bigat na 800 grams at may habang 77 centimeters.

Muli, hinihikiyat po ng PENRO LAGUNA ang publiko na wag mag-atubiling ipagbigay-alam o ireport sa aming tanggapan kung kayo man ay may makitang buhay-ilang (hayop o halaman) maging ang mga taong ilegal na nag-aalaga nito. Maaari kayong tumawag sa aming tanggapan sa numerong 049 536 5889 o mag-email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o personal na magtungo sa aming opisina sa National Highway, Brgy. Lalakay, Los Banos, Laguna.