Print

Isang Grass Owl (𝘛𝘺𝘵𝘰 𝘭𝘰𝘯𝘨𝘪𝘮𝘦𝘮𝘣𝘳𝘪𝘴) ang nai-turn over sa tanggapan ng DENR CENRO Calaca sa tulong ng MENRO Balayan noong Hulyo 9, 2021. Ang nasabing kwago ay nakita ng isang residente ng Barangay San Piro, Balayan, Batangas at kaagad dinala sa opisina ng MENRO Balayan.

Ang DENR CENRO Calaca ay lubos na nagpapasalamat sa lokal na Pamahalaan ng Balayan, Batangas bilang katuwang sa pag protekta at pangangalaga ng ating kapaligiran at likas na yaman at higit sa lahat maraming ding salamat sa mga residente ng Brgy. San Piro na patuloy na nagmamalasakit sa ating mga Buhay-Ilang. Mabuhay po kayo!

Muli, aming ipinapaalala na mahigpit na pinagbabawal ang pagpatay, pananakit, pagtatago, pagbebenta, pangangaso, pagbabyahe o pagsira sa mga anumang uri ng ng mga buhay-ilang o “wildlife” ayon sa Batas R.A 9147 o "Wildlife Resources Conservation and Protection Act”.