Ang CENRO Sta. Cruz ay nakiisa sa pagdiriwang ng Arbor Day 2021 sa pamamagitan ng pagsasagawa ng “Community PlanTree: Kumuha ng Kayang Alagaan, Magtanim para sa Kalikasan” at ng Tree Planting Activity.

Sa isinagawang Community PlanTree noong ika- 24 ng Hunyo, 2021, nakapagbigay ang CENRO Sta. Cruz ng 5,000 punla ng Bignai, Langka, Narra, Molave, Kasuy, Palawan Cherry at Guyabano sa mga kliyente, residente ng Sta. Cruz at kalapit komunidad. 10,000 punla din ng Bignai, Langka, Narra, Molave, Kasuy at Guyabano ang naipamahagi sa PGENRO-Laguna bilang pagpapakita sa patuloy na pagsuporta sa Programang “Greening Laguna for a Healthy Environment” para sa buong lalawigan.

Noong ika- 25 ng Hunyo, 2021, katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Siniloan at Society of Filipino Foresters Inc. (SFFI), ang CENRO Sta. Cruz ay nagsagawa din ng isang tree planting activity sa Pilot area nito na graduated NGP site sa Brgy. Magsaysay, Siniloan, Laguna.

Nakapagtanim ng 328 punla ng Molave at Narra ang mga nakilahok sa pangunguna ni In-Charge, Office of the CENRO Bernardita Daliva, Chief, CDS Elisa A. De Vera, MENRO Raymond Salay, Philippine National Police (PNP), Ahon Core, MENRO Siniloan, Striking Force-Siniloan, at mga kawani ng CENRO Sta. Cruz.

Tara, Halina’t, Sumama ka na, Protektahan at Alagaan natin ang Inang Kalikasan, Kasama ninyo ang DENR CENRO Sta. Cruz.