Print

Ang Arbor Day ay na-institutionalize na bigyang obserbasyon at ipagdiwang sa buong bansa tuwing ika-25 ng Hunyo ng bawat taon sa pamamagitan ng Proclamation No. 643 taong 2004 ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Ang Proclamation No. 643 ay inamyendahan ang naunang Proclamation No. 396 noong June 2, 2003, pinagtibay ng nasabing proklamasyon ang aktibong partisipasyon ng lahat ng ahensya ng gobyerno, kasama ang mga Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs), pribadong sektor, mga eskwelehan, civil society groups at lahat ng mamamayan sa pagsasagawa ng mga tree planting activities. Layunin ng proklamasyon na ito na maitaguyod ang pagkakaroon ng mas malusog na ecosystem para sa lahat sa pamamagitan ng rehabilitasyon at re-greening ng ating kapaligiran.

Bilang pakikiisa sa nasabing pagdiriwang, ang PENRO LAGUNA katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Rizal, Laguna ay nagsagawa ng Tree Planting Activity kasabay ng pagtatayo ng isang Community Plantree “Kumuha ng kayang alagaan, magtanim para sa kalikasan” sa bayan ng Rizal.

Tinatayang 350 indigenous species ang naitanim sa 2016 NGP Timber Plantation kasama ang mga empleyado ng PENRO Laguna at Munisipyo ng Rizal.