Print

Labindalawang Pawikan hatchlings o mas kilala bilang Hawksbill turtle(Erytmochelys imbricata) ang pinakawalan noong 15 ng Hunyo, 2021 sa baybaying dagat ng Brgy. Malapad, Real, Quezon.

Sa tagubilin ni CENRO Oliver O. Olivo agad na nagtungo si CDS Chief Julie Gonzales Abuejela kasama si Forest Technician Melba Mandani Perion upang alamin ang kundisyon ng mga bagong pisang pawikan.

Napagkasunduan na pakawalan ang mga ito sa pagtaas ng tubig dagat.

Ganap na 4:52 ng hapon ng sama-samang pinakawalan ang mga hatchlings sa dalampasigan.

Ang Hawkbill turtle ay mahalaga sa pagpapanatili ng kalalagayan ng coral reefs dahil sila ang nagtatanggal ng mga “sponge” sa ibabaw ng coral reef upang magbigay sa mga “reef fish” ng malayang pamumuhay.

Kabilang ang hawksbill turtle sa mga “critically endangered” na uri ng pawikan. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpatay o paghuli sa mga ito. ###