Print

TINGNAN: Nagsagawa ng Information and Education and Communication (IEC) campaign patungkol sa RA 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act sa Brgy. Niyogan, Pililia, Rizal noong June 10, 2021. Kaakibat din ito ng mga naiulat na reports ng pagpatay/pagkolekta ng mga buhay ilang sa nasabing lugar. Ipinaliwanag din sa nasabing IEC ang iba't ibang proseso ng paglalakad ng mga dokumento katulad ng pagpaparehistro ng Chainsaw at Tree Cutting Permit.

Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpatay o pagkolekta ng kahit anong klaseng buhay ilang (wildlife) lalo na ang mga threatened/endangered species na nakatira sa mga protected area at critical habitats. Maski ang pagpuputol ng puno at pag-gamit ng chainsaw na walang rehistro o kaukulang permiso sa DENR ay labag sa pinaiiral na mga batas pangkalikasan (Chainsaw Act of 2002 and Revised Forestry Code of the Philippines) at may katumbas na parusa para sa mga mahuhuling indibidwal.

Para sa mga katanungan, maaaring lumapit at makipag-ugnayan  sa aming ahensya sa pamamagitan ng mga sumusunod:

 

This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. / This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

8 286-6170 / 8 286-6173