Print

Isang long-tailed macaque (Macaca fascicularis) ang naiturn-over sa PENRO Laguna noong 10 Hunyo 2021. Ipinagbigay-alam at isinurrender ni Ginoong Florante L. Malijan ng LE Village Brgy. Lawa, Calamba City, Laguna sa pamamagitan ng pagtawag at pagee-mail sa aming opisina ang nasabing unggoy.

Batay sa inisyal na pagsusuri ng Enforcement and Monitoring Section (EMS) personnel, ang nasabing unggoy ay isang lalaki, may bigat na 6 kilo at nasa maayos na kondisyon. Agad naman itong dinala sa Regional Wildlife Rescue Center, Brgy. Lamot II, Calauan, Laguna na siya ng mangangalaga dito.

Muli, ang PENRO Laguna po ay nananawagan sa publiko na magreport kung meron mang sightings ng mga wildlife o buhay-ilang sa inyong lugar o may alam na ilegal na nag-aalaga o nagbebenta nito. Maaari po kayong tumawag sa numerong (049) 536 5889, o mag-email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o magbigay ng mensahe sa official Facebook page ng DENR CALABARZON. Magtulungan po tayong pangalagaan ang ating mga buhay-ilang!