Tingnan: Paglunsad ng Community PlanTrees: Kumuha ng Kayang Alagaan, Magtanim para sa Kalikasan

Ang CENRO Sta. Cruz sa pangunguna ng DENR CALABARZON, kasama ang iba pang mga Field Offices sa rehiyon, ay naglungsad ng sabayang pagsasagawa ng “Community PlanTrees: Kumuha ng Kayang Alagaan, Magtanim para sa Kalikasan" kasabay ng pagdiriwang ng ika-34 na anibersaryo ng DENR.

Ang CENRO Sta. Cruz ay nakapagbigay ng humigit kumulang 2,000 punla ng mga namumungang kahoy sa mga kliyente nito, at residente ng bayan Sta. Cruz noong 10 Hunyo.

Sa pakikipag-ugnayan naman ng CENRO Sta. Cruz sa Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PGENRO) Laguna, sa pangunguna ni PGENRO Marlon Tobias, ay nakapagbigay ng 7,000 punla ng mga namumungang kahoy bilang suporta sa “Greening Laguna for a Healthy Environment” program ng PGENRO para sa mga bayan at lungsod sa lalawigan ng Laguna.

Ang programang “Greening Laguna for a Healthy Environment” ay naglalayon na makapagtanim ng isang (1) milyong puno sa loob ng limang (5) taon. Layunin din nito ang maipakita ang mga gawain at katangian ng mga lagunense na pagiging mapagbigay at may malasakit hindi lamang sa kapwa kung hindi pati na rin sa ating kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim sa kani-kanilang mga bakuran upang makatulong sa pagpapagaan ng mga negatibong epekto ng pabago-bagong klima.

Sa pangunguna ni In-Charge, Office of the CENRO Bernardita C. Daliva, ang CENRO Sta. Cruz ay taos pusong nagpapasalamat sa lahat ng sumuporta sa paglungsad ng Community PlanTrees at kami ay muling bumabati ng maligayang ika-34 na anibersaryo sa DENR. Mabuhay po tayong lahat!

Para sa mga susunod pang mga aktibidad, umantabay lamang sa Offcial Facebook Account ng CENRO Sta. Cruz.

 “Tara, Halina’t Magtanim, kasama niyo ang DENR CENRO Sta. Cruz, PENRO Laguna at PGENRO Laguna”