Print

Nilagdaan ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng DENR CALABARZON at City Government ng San Pablo , Laguna para sa formulation ng kanilang Forest Land Use Plan (FLUP) sa Mayor's Office, 3rd Floor, San Pablo City, Laguna Laguna noong 7 ng Hunyo 2021.

Nagkaroon ng maikling programa kung saan tinalakay ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang FLUP ang mga natitirang forestlands ng lungsod ng San Pablo na dinaluhan nina Mayor Loreto S. Amante; Vice Mayor Justin G. Colago; City Local Government Operations Officer (CLGOO) Ms. Maria Alma Barrientos; Pangulo ng Association of Barangay Chairpersons (ABC) Ariston A. Amante, mga kinatawan ng City Planning and Development Office (CPDO) at City Envrionment and Natural Resources Office (City ENRO).

Ito ay personal ring dinaluhan nina Regional Executive Director (RED) Nilo B. Tamoria, Asst. Regional Director for Technical Services (ARDTS) Alfredo C. Palencia, PENRO Ronilo L. Salac at In-Charge Office of the CENRO Sta. Cruz Bernardita C. Daliva.

Layunin ng FLUP na maproteksyunan ang 5% na forestlands ng San Pablo, higit lalo ang mga tinatawag na mga open access areas upang ito ay magamit sa pinaka-angkop at wastong gamit nito. Ang FLUP ay magiging gabay ng lokal na pamahalaan at ng DENR upang mapanatili at maproteksyunan ang kabundukan.

Aniya ni RED Tamoria sa kanyang mensahe ay dapat isagawa ang FLUP gamit ang "beyond compliance" approach. Dahil hindi ito ginagawa ng dahil lamang kinakailangan na mayroong plano bagkus ay magtulungan ang DENR CALABARZON at San Pablo City upang makapag-balangakas ng komprehensibong plano para sa ikabubuti ng lahat ng mamamayan ng San Pablo. Ito naman ay sinang-ayunan ni Mayor Amante at nangakong lubos na makikipagtulungan ang kanilang lungsod sa paggawa nito.

Ang nilagdaang MOA ay sumisimbolo sa pinagtibay na ugnayan at partnership sa pagitan ng lokal na pamahalaan ng San Pablo at ng DENR CALABARZON tungo sa iisang layunin na mapangalagaan at mapanatili ang ganda ng mga kabundukan ng San Pablo, Laguna