World Environment Day : TREE PLANTING NG ILANG MGA KORPORASYON GINANAP SA BRGY. PINTONG BUKAWE SAN MATEO RIZAL NOONG  JUNE 05, 2021.

Dalawampu't walong participants mula sa Peaksun Enterprises Export Corp, Koinonia Logistics and Sale Inc., Kinosis Logistics and Trading Corp. at Bulk Flour Haulers Corp. ang sama-sama at tulong-tulong na nagtanim ng tatlong daang (300) punla ng Narra sa Old Sanitary Landfill sa Bayan ng San Mateo.

Ayon kay Peaksun Senior Manager Lawrence Tabije, ang gawain ay isang compliance sa Memorandum Circular 2020-076 ng LTFRB para sa bagong aplikasyon at extensiyon ng Certificate of Public Convenience (CPC).

Ang aktibidad ay dinaluhan din ni For. Ernesto M. Diso Jr. In-charge Office of the PENRO,  ilan sa mga Forest Extension Officers at ng Provincial Coordinator ng National Greening Program For. Nestor Arriola JR.

Inaanyayahan ang bawat stakeholders na makipag-ugnayan sa opisina ng PENRO para sa mga ganitong uri ng gawain para sa kalikasan.