Personal na itinurn-over ni G. Robert De Asis ang isang Southern Luzon Cloud Rat (Phloeomys cumingi) sa tanggapan ng PENRO Laguna sa Brgy. Lalakay, Los Banos, Laguna ngayong araw 21 May 2021. Ayon kay G. Robert, ang nasabing cloud rat ay pumasok sa bahay ng kanilang kapitbahay sa Brgy. San Jose, San Pablo City, Laguna at di malaman kung saan ito nagmula. Minabuti nilang iturn-over na lamang sa DENR ang nasabing cloud rat sa takot na baka patayin lamang ng iba higit lalo na may mapaminsalang katangian ang nasabing buhay-ilang. Dadalhin naman ito ng PENRO Laguna sa Regional Wildlife Rescue Center ng DENR sa Brgy. Lamot II, Calauan, Laguna.

Ang cloud rat ay may conservation status na Vulnerable base sa International Union for Conservation of Nature (IUCN) Red List of Threatened Species. Ang mga wildlife o buhay-ilang na sinasabing vulnerable ay mataas ang posibilidad na maubos (human-caused extinction) kung walang gagawin ang mga tao (human intervention) upang mapangalagaan ito.

Muli, ang PENRO Laguna ay nanawagan sa publiko na magreport o isangguni sa aming opisina kung meron man makitang mga wildlife o buhay-ilang, halaman man o hayop, o may alam na ilegal na nag-aalaga ng mga ito sa pamamagitan ng pagtawag sa aming telepono na may numerong 049 536-5889 o mag-email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. / This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o magmensahe sa official Facebook Page ng DENR CALABARZON.

Magtulungan po tayong mapangalagaan ang ating mga buhay-ilang.