Print

Pagbilao, Quezon – Unang araw ng 3-Day Capacity Building and Learning Event for CENRO Tayabas Cave Assessment Team ngayong 19 Mayo 2021 na ginanap sa Quezon Protected Landscape-Protected Area Management Office, Silangang Malicboy, Pagbilao, Quezon.

Layunin ng gawaing ito na bigyang pagsasanay ang binuong Cave Assessment Team ng nasabing tanggapan upang dagdagan ang kaalaman ng bawat miyembro para sa mga gagawin pang pagsusuri ng mga kuweba sa nasasakupan nito.

Kabilang sa mga tinalakay ang mahahalagang impormasyong tungkol sa iba’t ibang uri ng kuweba, pagmamapa, at mga batas na prumuprotekta dito.

Katuwang at kaagapay ng CENRO Tayabas ang Forest Fire Protection/Training Unit ng Office of the Provincial Fire Marshal, Bureau of Fire Protection ng probinsiya ng Quezon para sa pagsasanay tungkol sa iba’t ibang rope techniques, cave survival at first aide, cave rescue at field application.

Ang gawaing ito ay nakatakdang ganapin mula 19 Mayo hanggang 21 Mayo 2021.

Para sa iba pang impormasyon o katanungan, tumawag o magpadala lamang ng mensahe sa:

#09272479590

This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.