Print

Sa pangunguna nila For. Ernesto Diso, Jr (TSD) at For. Nestor Arriola Jr (NGP Provincial Coordinator) katuwang si Kgg. Westico San Jose, Punong Barangay ng Sityo Macapicapic, Brgy. Puray, Rodriguez, Rizal nagkaroon ng “Contract Signing” para sa Tatlompung (30) Bantay Gubat. Kasabay nito ang oryentasyon ng mga nakalatag na aktibidades at programa ng PENRO Rizal.

Ang mga karagdagang Bantay Gubat ay napapaloob din sa programa ng “Task Force Build Back Better” at “Key Result Area 6” (KRA6) na sila ring magiging katuwang sa proyekto ng “National Greening Program (NGP)” at mag papatrolya sa Brgy Puray at Mascap, Rodriguez, Rizal na sakop ng pinangangalagaang pook ang UMRPBL.