Print

Tingnan: Nagsagawa ng Information Education and Communication (IEC) campaign ang NGP personnel ng CENRO Catanauan na pinangunahan ng kasalukuyang Chief of Conservation and Development Section (CDS) na si Forester Nida C. Barros kasama ang ilang personnel ng PENRO Quezon na sina Forester Josephine Barrion, Chief, CDS at EMS I Hernan Merillo upang ipahayag ang tungkol sa implementasyon ng Expanded National Greening Program (eNGP) sa Barangay Ilayang Yuni, Mulanay, Quezon na dinaluhan naman ng Brgy. Officials at mga residenteng naninirahan sa loob ng 100 ektaryang timberland na tataniman sa ilalim ng nasabing programa.

Ilan sa mga tinalakay ay ang mga sumusunod:

1. Salient features of eNGP

2. Mga hakbang para sa implementasyon ng eNGP

3. Revised Technical Bulletin No. 30 or the Family Approach as a strategy for eNGP implementation

Ang nasabing proyekto ay maluwag na tinanggap ng mga residente na maisagawa sa kanilang lugar para narin sa kanilang kapakinabangan sa susunod na mga panahon.