Tingnan: Paglagda ng Deed of Donation sa pagitan ng DENR at Lokal na Pamahalaan ng Calauan at 202nd Infantry (Unifier) Brigade; Paglagda ng mga kontrata para sa implementasyon ng NGP; at pagbibigay pagkilala sa mga naging katuwang ng CENRO Sta. Cruz

Ngayong ika-10 ng Mayo, sa pangunguna ni PENRO Ronilo L. Salac at CENRO Victor H. Mercado, ay nilagdaan ang Deed of Donation (DOD) ng 202nd Infantry (Unifier) Brigade na pinangunahan ni BGEN Alex Rillera; at ng Lokal na Pamahalaan ng Calauan na kinatawan ni MENRO Jaime Goyena Jr.

Ang mga donasyong kahoy ay nagmula sa mga punong naapektuhan ng mga road widening projects ng DPWH sa mga bayan ng Sta. Cruz at Calauan, Laguna. Gagamitin ang mga nasabing donasyon sa paggawa ng mga kagamitan tulad ng lamesa at upuan; at magamit sa paggawa ng mga imprastraktura.

Dagdag pa rito, isinagawa rin ang paglagda ng kontrata para sa implementasyon ng National Greening Program sa pagitan ng DENR at piling People’s Organizations (POs) sa bayan ng Sta. Maria, Laguna. Nagkaroon din ng pagbibigay kaalaman patungkol sa mga aktibidad at gawain para sa tamang pangangasiwa at pangangalaga ng mga plantasyon.

Nagkaroon din ng paggawad ng pagkilala kay Atty. Edwin Lagac ng Registery of Deeds-Santa Cruz, Edgardo Reyes ng SWIMA Inc., at Marlon Tobias ng PGENRO Laguna na naging katuwang ng CENRO Sta. Cruz sa pagkamit ng mga itinakdang gawain at naging susi sa pagbibigay karangalan sa CENRO Sta. Cruz noong CY 2020.