Ang ikalawang pagpupulong ng Protected Area Management Board ng Buenavista Protected Landscape ay isinagawa noong Mayo 5, 2021 sa Municipal Nursery ng Mulanay, Quezon. Ginanap ito sa pamamagitan ng limited face to face at zoom app.

Ito ay dinaluhan ng mga miyembro ng PAMB, DENR personnel, representative ng SMART Telecommunication Inc. at mga Masteral Students ng Southern Luzon State University (SLSU) Lucban, Quezon.

Ang mga sumusunod na agenda ay tinalayak sa pulong:

1. Update on the activities for the Boundary Demarcation of Buenavista Protected Landscape;

2. Comments and recommendations of the Biodiversity Management Bureau (BMB) on the approved minutes of the meeting; and

3. Other matters

Nagkapagpasa ng isang (1) PAMB resolution ang PAMB-BPL na sinang-ayunan ng kapulungan. Nagkaroon rin ng pamamahagi ng facemaks, faceshield at alcohol sa lahat ng dumalo upang maiwasan ang pagkalat ng Covid-19 at upang matugunan ang alituntunin ng IATF.