Isinagawa ang ikalawang regular na Pagpupulong ng Mulanay Watershed Forest Reserve noong 4 Mayo 2021 sa ABC Hall ng San Francisco, Quezon sa pamamagitan ng limited face to face at zoom app.

Ang nasabing pagpupulong ay dinaluhan ng mga miyembro ng PAMB, DENR Personnel at iba pa na binubuo ng labing-isa (11) babae at sampu (10) lalaki na may kabuuang dalawampu't isa (21). Ang mga sumusunod na agenda ang napag-usapan sa ikalawang pagpupulong:

1. Submission of requirements for PAMB Members Appointment;

2. Update/ Initial report on Protected Area Suitability Assessment (PASA) within MWFR;

3. Presentation of Approved PAMB Minutes and PAMB resolutions of MWFR; and

4. Other Matters

Namahagi din ng facemasks, faceshield at alcohol sa lahat ng mga dumalo bilang pagsunod sa mga alituntunin ng IATF upang maiwasan ang pagkalat ng Covid-19.