Print

Noong ika-22 ng Abril, dalawang (2) Juvenile Scops Owl na mula sa mga Barangay ng San Juan at Pagsawitan, Sta. Cruz, Laguna ang naiturn-over sa tanggapan ng CENRO Sta. Cruz.

Ang isang batang kuwago na may timbang na 200 grams na nagmula sa Brgy. Pagsawitan, ay nakita ng isang concerned citizen na dala-dala ng kanyang anak na nahulog sa isang puno malapit sa tubigan. Gayundin naman ang isa pang batang kuwago na may timbang na 220 grams na nagmula sa Brgy. San Juan na nalalag sa kanyang bakuran.

Agad ipinaabot ng mga nasabing concerned citizens sa CENRO Sta. Cruz sa pamamagitan ng aming Official Facebook Account ang insidente upang matulungan sa tamang pagturn-over ng mga nasabing kuwago.

Pumukaw naman ng atensyon sa aming tanggapan ang pagkaka-tagged sa amin ng isang concerned citizen mula sa Siniloan, Laguna patungkol sa panawagan na maiturn-over ang isang Philippine Hawk Eagle na may bigat na 1.4 kilograms. Agad nagkaroon ng koordinasyon ang concerned citizen sa tanggapan ng MENRO Siniloan, at CENRO Sta. Cruz upang maiturn-over agad sa aming tanggapan.

Ang mga nasabing kwago at agila ay dinala at nasa pangangalaga ngayon ng Wildlife and Rescue Center ng DENR CALABARZON na matatagpuan sa Brgy. Lamot II, Calauan, Laguna.

Ang CENRO Sta. Cruz ay muling nananawagan sa publiko na kung sino man ang makakita ng mga buhay-ilang na maaaring masagip , maiturn-over, o di kaya ay mayroong ilegal na nagmamay-ari o nagbebenta ay ipagbigay alam ito sa aming tanggapan sa pamamagitan ng aming Telepono (049) 536-8903, sulatroniko: cenrosta This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. at sa aming Official Facebook Account:

http://www.facebook.com/denrcenro.stacruz

Asahan po ninyo na ang DENR ay kaisa niyo sa patuloy na pagtanggol at pagprotekta ng ating mga buhay-ilang, kapaligiran at likas-yaman.