Print

Isang Reticulated Python (Malayopython reticulatus) ang naiturn-over sa PENRO Laguna noong 23 Abril 2021. Sa pamamagitan ng electronic mail ay ipinagbigay-alam at isinurrender ni Ginoong Ramon B. Herrero ng Brgy. Palingon, Calamba City, Laguna ang nasabing sawa na ayon dito ay napadpad lamang sa kanilang tirahan. Batay sa inisyal na pagsusuri ng Enforcement and Monitoring Section (EMS) personnel, ang nasabing sawa ay may bigat na 1.2 kilos at may haba na 1.5 metro at nasa maayos ring kondisyon. Agad naman itong dinala sa Regional Wildlife Rescue Center, Brgy. Lamot II, Calauan, Laguna na siya ng mangangalaga dito.

Muli, ang PENRO Laguna po ay nananawagan sa publiko na magreport kung meron mang sightings ng mga wildlife o buhay ilang sa inyong lugar o may-alam na ilegal na nag-aalaga o nagbebenta nito. Maaari po kayong tumawag sa numerong 049 536 5889, o mag-email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. / This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o magbigay ng mensahe sa official Facebook page ng DENR CALABARZON. Magtulungan po tayong pangalagaan ang ating mga buhay-ilang!